31 July 2006

‡ KNOW THY

17 May 2006

Natanong mo na ba kung bakit may mga taong mahilig magsulat? Kung bakit may mga taong mahilig gumawa ng kwento (bukod sa mga tsismoso)?

Sabi ni Richard Croghan: “If you want to know the story of the people you have to read history books. If you want to know the soul of the people you to know their literature.” Sabi ng kaisipang ito maaari kong sagutin ang epekto ng kasaysayan sa pagsulat ng literatura. Kung susuriin, ang kasaysayan ay nagkukwento ng mga karanasan ng isang tao o grupo kasama rito ang mga datos patunay sa kwento tulad ng mga artifacts, lugar na pinangyarihan, mga taong kasama, mga nagawa noong panahong iyon at marami pang iba. Isama na rin natin ang mga kaugalian, batas at tradisyon.

Sa kabilang banda, ang literatura naman ang syang nagsisilbing salamin ng kasaysayan. Dahil ang literatura ay nilikha at isinulat ng isang taong nabuhay sa isang panahon sa mundo. Ang kanyang damdamin, obserbasyon, libangan at opinyon na idinaan sa tinta at papel ay naimpluwensyahan ng kanyang kapaligiran at karanasan. Halimbawa na ang ating magiting na bayani na si Gat Jose P. Rizal na sumulat ng nobela para sa mga kastila dahil nagkaroon siya ng pagpuna sa pamamalakad ng mga ito. Ang mga kwentong bayan at karunungang bayan na kung maririnig natin ngayon ay hindi agad mauunawaan kung walang alam sa kasaysayan. Sapagkat ang mga kwento ay nag-uugat at bunga ng ating mga karanasan.

Sa kasaysayan nagkukwento o kung sa ibang termino ay nag-uulat ka ng nagyari, pawang nagyari, walang halong opinyon. Ang literatura ang syang bunga ng inspirasyon, pawang inspirasyon, galing sa sariling damdamin, isipan at kaluluwa.

No comments:

Post a Comment