31 July 2006

‡ ÖLATS

26 May 2006

What is Love? Ang dami kong love quotes sa cellphone ko. Nanghingi nga kaibigan ko kahapon sinend ko lahat. E ano nga talaga ung love? 4 letter word combination. Cge. Noun? Tama. Universal? Pwede. Love is actually all around (title ng isang foreign movie). And dami depinisyon ng love. Love is blind. Love is to sacrifice. Love is God. Kung ako ang tatanungin tama lahat to eh. Kung ako ang tatanungin sa larong love pwede kitang sagutin ng matunog kasi mejo kabisado ko na to eh. Pero bakit olats pa rin ako? Kasi love is.. love is…

Nainlove ka na ba? Pano mo ba masasabi na inlove ka? Kapag ba laging siya ang nasa isip mo at laging looking forward ka sa susunod niong pagkikita at hindi ka na makapaghintay? Kapag ba binabasa mong pauli-ulit mga message niya sayo at halos siya lang ang laman ng inbox mo? may sarili siyang folder, sariling caller group at solong space…sa tuwing iniisip mo siya bumibilis pagpintig ng puso mo. Marinig mo lang boses niya napapangiti ka ng walang rason..kapag ba nahihiya ka tuwing kasama mo siya..habang hindi niya alam na minamasdan mo siya wala rin syang alam na siya lang ang nakikita mo…rock music ang hilig mo pero napapakanta ka ng slow love songs…nahihigh ka sa amoy niya…kapag ba lagi kang nakangiti at sumasaya kapag naiisip mo siya…ganun ba pag in-love?

Kapag ba nainlove sa kaibigan olats? Siguro.. kasi kaibigan lang tingin niya sau e. pano kung love mo siya kahit kaibigan lang tingin niya sau…ganun ba ang love? Siguro kasi love mo naman sya e.

No comments:

Post a Comment