31 July 2006

‡ WALANG KASING SAYA

16 May 2006

Mamasa-masa habang lalo akong pumapasok
Binibilisan ko dahil lalong dumudulas
Unti-unti lumalabas ang aking pawis
Habang tumatagal lalong umiinit
Ako’y hinihingal na
Ah… ah… hinahabol kong aking hininga
“Parating na” sabi ko
“Ano ba bilisan mo!” ang galit mo
Tigas ko’y unti-unting lumalabas
Tubig ang syang nais malasap
Parang anlayo ko humihiyaw kang
Dalian ko asa likod mo lang naman ako
Marahil napagod ka rin tayo’y tumigil
Hinimas mong buhok kong basa ng pawis
Taas baba taas baba pasok dito labas dito
Hindi nakakahilo pero umiiikot paningin ko
O Dios ko asan na ba ko?
Ako’y pagod na. Salamat naman at rurok na
“Sabi sayo malapit na e… galing natin” wika mo
Napangiti lang ako sabay sabi
“Sarap talaga umakyat ng bundok noh?”
Walang kasing saya
Umulan bumagyo, gumuho man ang mundo
Ikaw at ako pa rin sa tuktok

Mabuhay ang mga mountaineers!Ö

No comments:

Post a Comment