05 October 2012

Kailan ba dapat kantahin ang we are never ever getting back together?


Isang hating gabi napanood namin ang music video ni Taylor Swift na We Are Never Ever Getting Back Together. Awit ito tungkol sa on-off relationship at kung paano tratuhin ng isang lalake makipaghiwalay tapos makipagbati rin pagkatapos. Biglang isang tanong ang lumitaw: Kailan mo nga masasabi na we are never ever be together? How far would you go for a relationship? Anong dahilan o pangyayari ang magpapabaligtad ng mundo mo at tatapos sa relasyon nyo? Yun pinaka. Isang kaibigan ang sumagot na Cheating. Hinamon ko ang idea at sinabing hati ang opinyon ko doon dahil paano kung isang beses lang at hindi naman talaga sya ganon.. na sabihin na natin nagkamali lang talaga sya at inaamin naman nya. Sabay sagot ng lahat na “Kahit naaaa...” Natapos ang usapan na hindi ako fully nakapili o nakapagdecide kung ano ba talaga ang makakapagpatumba sa akin sa isang relasyon dahil matagal ko na ring tanong yan sa sarili ko. Ang ilan sa mga naisip kong mabigat na dahilan ay:
 


1. Isa sa inyo o pareho kayong hindi na masaya

Ito na siguro ang pinaka umbrella na mga susunod na posibleng dahilan. Kahit sabihin pa natin na relative ang pagiging masaya, madaling sabihin kung masaya ka ba talaga sa isang bagay, sitwasyon, tao o hindi. Parang kung anong feeling mo kapag nakakakain ka ng paborito mong pagkain, o dumating na yun text na hinihintay mo, o excited kang makita sya, naliligo k ana at nagpapabango pa kapag magkikita na kayo, lumilipas ang oras ng hindi nyo namamalayan habang nagkkwentuhan lang naman kayo, nakikita mo saya dapat sa future mo, kasama sa mga plano sa buhay kung talagang seryoso level na kayo. Dahil sa relasyon dapat masaya kayo pareho at dalawa kayo dapat na masaya. Dahil kung hindi, nagaaksaya lang kayo ng oras at nagiinvest sa bagay na wala ka naman nakukuha kundi sama ng loob at pagkabulok. Pero dapat at sana ang kasiyahan na yan ay authentic, legal, totoo at hindi dahil malungkot ka lang sa present mong relasyon kasi rebound na ang tawag dun. Kung may problema kayo ay dapat ayusin at pagusapan nyo

Dapat malinaw ang dahilan kung bakit hindi ka na masaya. Baka kulang lang sa effort at sa quality time? kaya dapat pagusapan munang mabuti.

Tanong: Pero paano ko ba masasabi na hindi talaga ako masaya?
Sagot: Maging totoo ka sa sarili mo (basahin ang mga susunod)

2. Nakalimutan mo na kung sino ka

Kung sa isang relasyon ay hindi mo magawang maging totoo sa sarili mo, hindi mo magawa ang ibang bagay na gusto mo, hindi mo magawa ang mga bagay na makakapagpasaya sayo, hindi mo pwede makita ang maga kaibigan mo o ibang tao, hindi mo pwedeng gawin ang mga bagay-bagay dahil bawal, paano ka maggrow bilang tao at paano mo maeenjoy ang presensya ng isat’t-isa kung ang pinapakita nyo ay peke at plastic na bersyon ng sarili mo? Hindi ikaw ang kanyang minamahal kundi ang taong ginagawa mo at hindi sya totoo. Pwede rin naman na isa kang bersyon ng gusto nyang ikaw at hindi talaga ikaw.

3. Isa sa inyo ay may number 2

Unang-unang tanong ay bakit sya nangaliwa? 1) kulang ka ba sa effort at pagmamahal? 2) nangaliwa ka rin kasi 3) sadyang malandi lang sya 4) may lumandi sa kanya at natukso sya 5) sadyang may history lang sya ng pangangaliwa pero hindi naman sya kaliwete.
Kung ang sagot mo sa 1 o 2 ay oo, dapat na ngang tapusin ang relasyon dahil nangaliwa ka rin at hindi wagas ang iyong pagibig. Pero kung hindi ka naman nangaliwa at sa tingin mo ay may matimbang na dahilan, laging tandaan walang hindi nadadaan sa magandang usapan at minsan isang big time effort ang kailangan.
Kung ang sagot mo sa 3 – 5 ay oo, kung paulit-ulit ka lang gagaguhin ay mabuti pa ngang tigilan mo na yan. Kung hindi naman kayo seryoso ay dapat malinaw sa inyong dalawa na hindi at okay lang lumandi kayo sa iba kung yun ang trip nyo. Pero kung wagas at tunay ang pagibig nyo ay dapat tapat kayo sa isa’t-isa. Dahil ang pagibig ay isang responsibilidad.

At ang pinakamabigat na dahilan para tapusin ang isang relasyon ay:

4. Hindi na ikaw ang taong minamahal nya o hindi na sya ang mahal mo

Maraming dahilan kung bakit hindi na ikaw pero ang malinaw ay may iba na syang mahal. Period. May third party. Kabit. Fling. Flirt. Ano pang itawag mo, ang katotohanan ay isang napakalaking hindi ka na nya mahal. Wala nang pag-asa. O pwede naman na hindi mo na sya mahal, may mga bagay na hindi mo na makuha sa compromise at hindi lang naman sya ang tao sa mundo para hindi mo hanapin ang taong para sayo.

Isang linggo lang pagkatapos ng paguusap na iyon ay nabuo sa isip ko na tanga lang ang paulit ulit na magpapatawad sa taong hindi naman seryoso sayo. Mahaba habang usaan pa ito kaya sa susunod na kabanata na lang tayo magkitakita.

1 comment:

  1. Kantahin ko nalang po, ate. Be happy po. :)

    ReplyDelete