1/26/08
“Namimiss mo ba si pong?”
“Oo, gusto ko na sana mag-alaga uli pero naisip ko hindi pa ako ready..”
“Paanong di pa ready?”
“Nasira kasi yung lamp ko kaya kung mag-aalaga na uli ako lalamigin sya sa gabi. Gusto ko yung may maayos syang bahay at kaya ko iprovide mga kailangan niya. Yung kaya ko talaga syang alagaan bukod sa oras na pwede ko ilaan.”
Minsan sa dami ng kailangan gawin hindi ko na alam ano ang dapat unahin. Hanggang sa hinahayaan mo na lang kusang dumating yung oras na alam mong malapit na.
Due date. Isang gabi lang talaga dapat sa akin ang librong hiniram ko sa library. Isang gabi para makapiling, mabasa at matutunan. Pero di sapat. Isang linggo na lang christmas break na at sa break na yun pwede ko basahin at lalo mapagaralan yung libro. Next year ko na lang isosoli, P5 lang naman kada araw e..hanggang sa lumipas na nga ang mga araw. Dumaan ang christmas break, andami pa rin kailangang asikasuhin.
Back to school. Hala parang ambilis ng panahon malapit na ang graduation! Busy sa thesis, sa paggawa ng community interventions, thesis, speech, world literature, org, bahay, barkada, babae.. busy. Hindi ko na alam anong uunahin, kung paano ako kikilos, kanino ako sasama, ano nga bang dapat isipin at pagtuunan ng pansin, ora mismo.
Minsan sa sobrang dami at parabang buhul-buhol na sinulid ang schedule mo parang ayaw mo na lang gumalaw, ayaw mo na lang kumilos, napapagod ka na. Sa mga sitwasyong hindi ko na alam ang gagawin at isasagot ko sa sarili ko, nagpapatangay na lang ako sa agos. Agos kung anong hingin ng sitwasyon-yun ang gagawin ko. Dahil naniniwala akong may oras ang lahat ng bagay. At maaring hindi ko kailangang planuhin ang lahat para sa aking mga kagustuhan. Dahil minsan kahit anong pilit na pagkilos ang gawin mo, wala ka pa ring masimulan.
overDue date. Biglang tumunog ang pass sa pinto ng library namin. Tinanong kami ng guard kung may libro kaming hiniram, o kung may libro kaming overdue na hindi pa naisosoli. Agad tumanggi yung dalawa kong kasama sabay sabi ko ng “Ako po meron”. Parang proud na proud pa ako sa kalokohan ko. At ayun sixty-five pess ang binayaran ko.
Sabi sa akin ng librarian, bakit ngayon mo lang ito isosoli kailan mo ba ito hiniram?
Sabi ko, mmmm..last year po. mga one week bago magbakasyon sabay ngiti.
E bakit hindi mo sinoli?
Ehh.. sayang po kasi yung bakasyon para mabasa ko po..
E sana nirenew mo na lang. Magbayad ka pa tuloy..
(WHAAAAAAAAAAAAAAAT?????) ughh... nakalimutan ko na po.. ehehehe ambc na po kasi. Sabay ngiti pa.
Paglabas ko ng library hinintay na ako ng mga kaibigan ko..
oh anung nangyari magkano binayaran mo?
Ayun sixty-five pesos. Hahaha
Habang naglalakad kami anggaan at ang saya ng pakiramdam ko. Siguro dahil napatunayan ko sa sarili ko na may tamang oras sa tamang lugar sa tamang panahon para ito mangyari. Na lahat ng bagay gaano karami man ay may takdang pagkakataon para matapos. Although minsan may nakakalimutan pa rin tayong gawin along the way... that’s how we learn. haha
galing mo parin magsulat:)
ReplyDelete