20 April 2008

The Astonishing Whine and Roses

October 30, 2007

Hindi ko alam paano ko sisimulan hindi ko rin alam ang magiging katapusan. Siguro sisimulan ko na lang sa salitang salamat. Salamat dahil nakilala ko siya kahit hindi pa kami ganun katagal magkakilala marami na akong natutunan sa kanya at sa mga magdamagang kwentuhan namin. Salamat sa masasayang usap, usapang manyak sa mga seryosong usap pa minsan. Salamat sa oras at sa pagkunsinti sa akin kahit papaano nagkaroon ako ng kakampi sa mga oras na wala ako sa sarili. Salamat sa lahat-lahat ng text, email, pagbati at pag*hug* lalo na nung nahulog ako. Salamat sa bukas mong isipan, mahabang pasensya, pang-unawa at sa mga secrets. Sa mga hindi ko nabanggit pinasasalamatan kita sa lahat ng yun.

Masaya akong nakabahagi siya ng oras sa buhay ko. Hindi ako nagsisising nakilala ko siya dahil kung hindi dahil sa kanya hindi ako ganito ngayon.

Tulad ng maraming nabuong pagkakaibigan hindi ko na rin matandaan paano nagsimula ang lahat ang natatandaan ko na lang ay ang mga masasayang sandaling naging magkaibigan kami. Masaya ang makatagpo ng taong halos kapareha mo ng tinitignang direksyon at pangarap sa buhay. Masaya ang makakilala ng taong halos kapareha mo mag-isip dahil nagkakaintindihan kayo. Masarap magkaroon ng taong napagsasabihan mo ng sekreto, kasundo mo at napagsasabihan ng problema. Masaya, masarap, magaan magkaroon ng kaibigan.

At anong saya pa kung ang kaibigan mo ay lagi mong nakakausap. Ang madalas nyong pakikipag-usap ay napagpapalalim sa ugnayang naging bunga ng isang sikolohikal na pagkakalapit. At higit sa lahat ay ang pagkakaibigang walang hinihinging kapalit.

Pero paano kung mahulog ka sa kanya? At sarili mo lang ang sumalo sayo?... paano na ngayon yun…isa ba itong pagkakamali o katapangang pagkakabayani? I don’t think there was really a fault. Hindi ko alam kung anong matatawag ko dun pero para sa akin hindi yun fault. I was brave enough to make myself happy, to let myself fall. Oo, katapangan ang makaramdam ng sakit at katapangan harapin na hindi ko kayang magtiis sa sakit na hindi para sa akin. =(

1 comment: