magsisimula nanaman ako sa salitang "minsan". sa tuwing magbibigay paliwanag ako sa mga nangyayari sa buhay ko lagi ko na atang binabanggit ang salitang yun. optimistic lang siguro ako na lilipas din ang lahat..na magigising na rin ako sa isang mapait na panaginip.
kahit psych major ka hindi lahat kaya mong bigyan ng paliwanag kahit hanggat maari yun ang tungkulin mong gawin..pero hindi pa rin lahat kaya mong maintindihan at hindi lahat kaya mong dalhin. simple lang ang dahilan: dahil tao ka rin.
bilang isang tao mayroon ka ring mga limitasyon...dahil...
minsan darating ang araw na para bang hirap na hirap kang magsalita ng kung ano na ba ang talagang nararamdaman mo.
minsan parang pagod ka nang tumawa..magpanggap na masaya..
minsan parang mas gugustuhin mo nalang tumunganga buong maghapon..
tumanghod sa lumipas na panahon.
minsan parang gusto mo na lang maglaho, tumalon sa magandang hinaharap.
minsan parang gusto mo na lang maospital, masagasaan o kaya naman malaslasan..
minsan gusto mo lang maging exaggerated.
minsan napapatahimik ka na lang ng mga bagay na hindi ka naman kinakausap.
minsan nakakalimutan mo nang kumain..
minsan wala ka na lang pakialam..
minsan nga parang wala ka na ring nararamdaman..o nakikita...
minsan wala ka na lang talagang masabi. dahil minsan kahit magsabi ka wala namang reaksyong kahit ano, parang wala ka ring sinabi. kaya wala na lang.
minsan gusto mo na lang magpakapagod ng husto para paghiga mo diretso tulog mo.
minsan kahit malungkot na kanta wala na ring gana..
minsan andami mong dinadala..hirap na hirap ka..
minsan gusto mong tumakas sa nagkukulong na mundong ginagalawan mo..
minsan gusto mo na lang matulog habambuhay..
minsan lalo kang nasasaktan dahil nasasaktan yung mahal mo dahil sa mahal niya..
minsan malulungkot ka na lang makita ang mga mata niang nakatingin sa iba..
minsan ayaw mo na lang magexist sa mundo..
minsan andami mong tanong..na hindi masagot.
minsan nababaliw ka na sa kakaisip sa bagay na hindi ka naman sigurado
minsan mas matiyaga ka pa sa bato
minsan madali kang maloko...
minsan hardcore tanga at grandslam sa pagiging aktor ka
minsan hindi mo na malaman ang gagawin..
minsan hindi na makaya lahat ng dibdib mo..tapos
minsan walang handang makinig. dahil pag nagkwento ka posibleng chinichismis ka lang o kaya naman ay nagiimpose agad..
minsan yung taong hingahan mo ya rin yun dinadala mo..
minsan wala talagang nakakaintindi
minsan naniniwala ka sa sinungaling
minsan ikaw sinungaling na rin
minsan parang gusto mo nang sumuko.. saan? sa bagay na wala. hindi naman kasi dumarating.
minsan hindi mo namamalayan tumutulo na luha mo..
minsan nasasaktan ka sa mga hindi inaasahang pagkakataon..
minsan gusto mo lang nman talaga ng makikinig..
at kadalasan...
gusto mo lang talaga ng makakasama.
yung pipiliin at maiisipan kang laanan ng ginto niang oras..
kahit minsan lang..
i understand...
ReplyDelete