Holidays are never an excuse for us not to have a toothache. I crave for desserts during holidays; fruit salad, chocolate cake, halaya ube, leche flan, gelatin and many others. The sweetness that it brings can take me away from the bitterness of the world. The once a year bliss is such a sweet kiss.
Once a year lang ako makakain ng fruit salad. Prutas at gatas lang napakalaking halaga na para sa isang ordinaryong araw. Sa hirap ng buhay ngayon at sa taas ng bilihin hindi mo pwedeng gawing espesyal ang araw sa pamamagitan ng isang homemade from love fruit salad. Habang nasa nakakalusaw na kainan kami ng aking extended family ng fruit salad at dahil sa kasarapan, naisip kong iba talaga pag once a year ko lang ito nakakain.
Sabi nga ng tita ko, nung araw daw ang amoy ng litsong manok sa kanila, amoy pasko na pero ngayon kahit anong oras pwede ka kumain ng litsong manok, anjan ang baliwag litsong manok, andoks manok, mang bok’s, mang junior’s at kung anu-ano pang litsunan ng manok. Pamurahan din ang bida pero kung mejo marami kang pera anjan ang mga mamahaling kainan tulad ng Max’s, Kenny Roger’s, KFC at kung anu-ano pa. Sa madaling salita, noong araw napakaespesyal na sa tao ang litsong manok.
Naisip ko tuloy mahalaga pala talaga lagi kang magtitira na yun bang pang once a year mo lang kinakain? Para hindi nakakasuya, para may espesyal, para may hinihintay, may thrill, may pampasakit ng ipin, pampasikip ng chan, parang may nananakam…
Kung dati amoy ng litsong manok pasko na anu pa kaya ngayon… parang ordinaryo na lang..nagkalat..ano ba yung espesyal…
Ikaw, alam mo ba kung ano ang espesyal sayo?
No comments:
Post a Comment