Naglalakad ako kanina sa may eskinita ng may lumabas sa likod ko na batang lalaki kumakaripas ng takbo. Wala naman siyang kalaro o kaaway na hinahabol. May babae pa sa harap ko na inunahan niya para lang sa …hindi ko pa malamang dahilan. Sa di kalayuan natanaw ko yung mama may hila-hilang bisikleta at may kahong puti sa likod ng bisikleta. Nagtitinda pala siya ng ice cream. Nakalabas na sa eskinita ang mama at ang bata nagmamadali man ay hindi malaman ang gagawing pagtawag sa inaasam na ice cream. Nagpatulong pa nga siya sa kakilala niyang nakatatandang babae para sa pagtawag pansin sa mama pero wala pa ring nangyari. “iba na lang ang bilin mo.”, ang sabi sa kanya. Tatawagin ko sana peroo hindi ko rin alam bakit hindi ko nagawa. Nang makalabas na ang bata sa eskinita nakasakay na sa bisikleta ang mama at kahit nakatawid sila…papalaz-yo na ng pa-pa-la-yo ang ice cream. Wala na. Wala ng nagawa, wala ng nahabol, walang nagyari. Wala.
Naawa ako sa bata dahil nakita ko kung paano ang ginawa niyang paghabol sa gusto niya. Nakita ko kung anong paglaban ang ginawa niya sa mga nakaharang sa pagtakbo niya. Simple lang di ba, simpleng sitwasyon lang yun. Pero hindi lang ganun ang naisip ko nung nakita ko yun… kahit sabihin mo pang iba na lang ang bilin ko. Iba pa rin kung gusto ko yung makukuha ko. Iba pa rin kung yung inaasam ko talaga yun makukuha ko at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para makuha yun. Pero, hindi pa rin kasiguraduhan ang lahat. Dahil minsan kahit kailangan niyo ang isa’t-isa hindi pa rin kayo magtagpo. Parang pag bumili ka ng ice cream at hindi mo naabutan kahit tumakbo ka at siya naglalakad lang… nakakalungkot at nakakahinayang. Mag-iisip ka pa ng dahilan kung bakit hindi mo naabutan, magsisisihan pa kung bakit, anjang iiyak ka dahil gusto mo yun pero wala na…at wala ka ng magawa. O kaya e pababayaan mo na lang at sasabihing sa susunod na lang pero deep inside nalulungkot ka pa rin di ba.
No comments:
Post a Comment