MiYERKULES NG HAPON
magkausap tayo sa phone
naputol
hirap ng tumawag
sabi mo maya na lang
SABADO NG HAPON
magkausap tayo sa phone
naputol
inutusan ka
sabi mo tawag ka mamya
SABADO NG GABI
tahimik ang buong paligid
madilim
romance ni beethoven
ang aking background music
tinext kita kanina
wala lang, papansin
akala ko..
wala lang..
nga ata..
lagi na lang ako
naghihintay sa'yo
nagkita tayo isang beses
at nagkausap
nagkamustahan
sabi mo pa tinatawagan mo ko pero
wala ako
umoo na lang ako at
nagdahilan na baka wala ako
nun hinanap mo ko
kahit na..
sabi mo pa daming beses mo ko tinawagan
palagi akong wala kahit na..
kahit na hindi naman talaga ako
umaalis ng bahay..at
kahit na naghihintay talaga ako sa'yo
iba na lang din ang sinabi ko
sana kung talagang hindi naman..
wag na magdahilan
akala ko..
wala lang..
nga ata talaga..
lagi na lang ako
naghihintay sa wala
tuwing tatawag ako kundi wala, tulog
o di kaya naman wrong timing may gngw ka
sabihin tatawag pero inugat na ko wala pa
siguro masyado lang akong naghihintay at
naniniwala sa mga sinasabi mo
para akong batang humihingi sa mga pangako
e kasi sino ba naman ako para
pagaksayahan ng panahon
lahat ng sinabi mo nakalimutan mo na agad
hindi mo ata alam na nasabi mo yun
ilang linggo ko pa naman inipon ang lakas
para tumawag
ilang hingang malalim ang sinisid ko
wala din pala
lulunurin mo din ako
***kung alam ng crush mo na may crush ka sa kanya..
pag sinabi nyang tatawagan ka na lang nya..
wag ka na umasa pa dahil sabi nya lang yon. chikka.
5/14
No comments:
Post a Comment