kausap kita ngayon sa phone
pero wala akong marinig na tinig
kahit himig o anu man pandinig
ako na ang nagkwento gaya ng lagi
tapos bigla akong nanahimik
tumagal din ito ng mahabang saglit
tinanong mo ako
anu nang nangyayare
hindi ako sumagot dahil
wala akong masabi
siguro pagod ka o kaya naman bisi
kaya boses mo'y mahina parang sa ipis
sa gitna ng katahimikan
nagsabi ka ng sandali
ako'y naghintay sa iyong pagbalik
o sige tawagan na lang kita
ang syang iyong banggit
ang saya ng iyong tinig
nakatawa di tulad kanina
sabi ko wag na
pinilit mo ko pero ako'y nagdahilan
tayo'y nagpaalam na
wala ng kulitan
tinex mo ako sabi mo wag ako tampo
sagot ko naman ayos lang
dahil sa wala naman akong karapatan
12/17/4
No comments:
Post a Comment