04 July 2012

Perks of Being a Zombie

Hindi lahat ng nagtatrabaho sa gabi magdamag ay call center agent, bukod sa mga muscles mo habang natutulog ka meron din mga tulad ng doktor at nurse, security guard, truck delivery driver, service crew, at mga tulad ko..

Apat na taon na akong nagtatrabaho sa dilim, marami na rin ang mga tulad namin na nagkalat sa Maynila, pati sa Makati, Pasig at kung saan pa. Ang iba kapit sa patalim kaya napilitan pumasok sa ganitong trabaho, iba naman sadyang yun ang schedule tulad ko.

Ilan lang ito sa mga napansin ko na benepisyo ng pagiging GY o graveyard shift, pokpok, babae sa dilim o zombie. Baka makatulong sa pagdedecide mo sa buhay o baka makasagot kung magtatagal pa ba kayo ng karelasyon mo.

  1. Mas maluwag ang byahe dahil nagmamadali na umuwi ang lahat sa kabilang kalsada, ikaw papasok pa lang. Advisable ito lalo sa mga malalayo ang bahay sa pinapasukan tulad ng Laguna, Obando, Taytay atbp. papuntang Makati.
  2. Mas nakakaconcentrate ka sa trabaho dahil mas konti ang tao, hindi masyadong maingay.
  3. Nagagawa mo sa umaga ang mga dapat gawin tulad ng pagpunta sa dentista, government agencies, banko, pagpunta sa mall nang hindi na kailangang umabsent sa trabaho at unang-una ka pa sa pila.
  4. Mas healthy ang pagkain dahil lutong bahay ang baon o kaya naman ay (see number 5)
  5. Marami nang 24 hours na mga tindahan ngayon lalo na ang mga night market na maraming pagkaing pagpipilian tulad ng banchetto sa Ortigas, Mercato sa Taguig o Distrito sa Makati, mas madali pang puntahan dahil walang traffic.
  6. Mas malaki ang sweldo. Bukod sa may night differential ka dahil gising ka sa gabi, may transportation allowance ka din pangtaxi.
  7. Special ang sasakyan mo, minsan ikaw lang ang sakay at ihahatid ng driver.
  8. Hindi mo kailangan masyado maginvest sa mamahaling corporate na damit, kahit mamahaling casual pwede na rin.
  9. Mga katrabaho mo ay nasa US o Europe, kaya para ka na ring nasa abroad at kumikita ng malaki pero nakakasama mo pa din ang pamilya mo.
  10. Madalas mag-isa ka lang sa bahay dahil lahat sila ay pumasok, kaya magagawa mo lahat ng gusto mo.
  11. Tamang-tama ang gising mo kapag Sabado ng hapon, oras ng gimikan o kay anaman ay diretso ka na sa pupuntahan mo after shift.
  12. Libre ang parking. Applicable lang sympre sa mga may kotse.

Meron din naman flipside, marami ka ngang pera pero ang one million question ay "Masaya ka ba?" dahil aanhin mo nga naman ang yaman mo kung mag-isa ka lang kumakain o gumigimik? O wala man lang nagtatanong kung kumain ka na ba? Aanhin mo naman ang pera kung hindi ka naman masaya sa ginagawa mo? Ilan lang din ito sa mga maaring guide para makatulong sa'yo.

  1. QTT o Quality Time Together mo sa karelasyon mo. Okay lang siguro kung pareho kayo ng schedule. Conflict kapag hindi. Hindi madaling gumising ng maaga para magkeep up sa normal schedule at makipagsabayan sa normal na oras ng dinner o parties kung wala o kulang ka sa tulog. Importante at nagsusumigaw ang Effort para mapanatili ang isang relasyon, kailangan pumidal ka para umandar ang bike.
  2. Health - marami nang nagsabi na masama daw magpuyat at nakakahina ng puso at baga. Siguro para sa mga nagyoyosi - oo. Importante na binabawi mo ng tulog sa gabi at pahinga kapag weekends o rest days. Lagi rin kakain ng prutas at gulay. Hanggat maaari ay magexercise rin, isama ang barkada para mas mapressure at sipagin.
  3. Holiday o Rest day - Sa karamihan lalo sa mga call centers madalas ay may pasok tuwing holiday dahil dito malaki ang chance mo na hindi makasama sa mga get together ng pamilya o barkada mo. Tulad ng mga doktor na laging on-call kahit Pasko o Baging taon
  4. Transportation - May mga pagkakataon na delikado bumiyahe kapag gabi o kaya naman e wala ng bumibyahe. Hindi lahat ng tuwid na daan ay ligtas, kaya alamin ang mga maaring daanan na maliwanag at maraming tao.
  5. Mas maraming tao ang pwedeng makilala kung nagttrabaho ka sa umaga. mas maraming opportunities.
  6. Food choices - marami man ang bukas na kainan, kadalasan fast food o kaya malayo sa pinagttrabahuhan mo. Paano ka pa makakabili? Additional gastos pa ang delivery charge
Hindi lang lima ang mga bagay na pwedeng flipside nito pwedeng mas maraminpa depende sa sitwasyon mo. Ang mahalaga alam mo kung ano ang pwedeng mangyari, kung anong klaseng buhay ang meron sa mga taong ngttrabaho sa dilim.

No comments:

Post a Comment