May dalawang pinagbabasehan daw ang tao sa pagtingin nya sa buhay, either from the past or futuristic. Sa tingin ko walang masama kung sa parehong direkyon ka titingin para sa pang-araw-araw na buhay. If you get too trapped from your monster past, it’ll just drag you down to what ifs, sana .. and all regretful phrases. We can always have a GB space for all the happy memories, madalas makwento ko sa mga kaibigan o kahit sa mga kakakilala ko pa lang na mga tao ay mga adventures ko nung bata pa ako. Kung gaano ako kamasayahin at kaloko nun bata.. kung gaano napakasarap maging bata na minsan naiisip kong kung tatanungin ako ni Genie kung anong panahon ko gustong bumalik sa buhay ko pipiliin ko ang childhood days ko.
Pero sympre hindi lahat ng past ay maganda, meron din mga nakakalungkot at sobra talagang nakakalungkot. Sa totoo lang marami akong what ifs.. at sana .. there was a time I beat myself up everyday. Kahit alam kong wala at hindi ko naman talaga kasalanan kung bakit yun nangyari. Wala ka naman kasing ibang pwedeng isipin kundi ikaw lang eh.. na kasalanan mo rin etc etc.. Anyway, may times naman na napakafuturistic mo, araw-araw yata may naidadagdag ka sa personal goals project list mo, gusto mo ng ganito, gusto ganyan, pangarap ko to, pangarap ko yun.. na nagiiwan lang din sayo ng feeling na inadequate ka o yun bang feeling na anu ba yan.. anlayo ko pa.. parang ganun. Sabi nga ng mama ko, “isa-isa lang anak” “ikaw talagang bata ka kung anu-ano iniisip mo” kabisado ko na nga mga sasabihin nya tuwing may babanggitin ako na gusto ko mangyari sa buhay ko o kaya naman e magtatanong kung ano kayang magawa? Haha sympre isasagot nya lang sa akin linisin ko yun kwarto ko.. o kaya e uutusan na lang ako para madistract. Pero hindi nga, minsan ang future masyadong inviting, minsan nakakainip at nakakafrustrate. Pero sa totoo nyan e masyado lang talaga akong excited.
Minsan bigla ka na lang tatamaan ng ZAAAAP!! ang iyong past. Naudlot na love-life, the-one-that-got-away, reg-rets, what-ifs, sa-na, at kung anu-ano pang nakakaguilty, nakakafrustrate at nakakaiyak na pangyayari. Natutunan ko ngang tuwing ganitong times wag kang makikinig sa The Script kasi halos lahat ng kanta nila ay tungkol sa paghihintay (kung Hindi mo sila kilala, sila yun kumanta ng The Man Who Can’t be Moved).
Naisip kong bigyan ng panibagong panimula ang blog na ito. Para maisara ang mga nakaraang chapters, pero feeling ko ay babalik pa rin ang mga characters sa mga susunod na kabanata kaya siguro sa ganitong paraan ko na lang muna sila papatayin. Ang dami kong naisulat pero hindi ko pa naipublish, siguro kapag sinipag na uli ako. Hanggang ngayon hinahunting pa rin ako ng Ghost from the Past at ni Futuristic. Wala naman kasi mangyayari kung isasadlak mo na lang ang sarili mo sa nakaraan, o kaya naman e magpapaalipin para SA hinaharap. Sabi nga work-life balance. Pero natutuwa ako na kahit papaano ay nagiging maayos ang takbo ng taon ko ngayon, nagagawa ko ang mga na-miss ko from the past years. Ang sarap ng feeling. Ang sarap ng paunti-unting achievement.
Alam kong hindi madaling mabuhay araw-araw, pero darating din tayo jan :)
No comments:
Post a Comment