Dearest
Marami na akong nasulat dahil sayo. Karamihan kadramahan pero meron rin naman kasayahan. Sabi ko dati baka marami pa ako masulat dahil sayo dahil naging inspirasyon kita. At siguro marami pa nga. Pero sa mahabang panahon gusto ko muna mamahinga-hindi ka maging inspirasyon. Naniniwala akong darating ang araw na hindi ka na mababasa sa mga susunod na pahina ng buhay ko at sa palagay ko mangyayari yun kung magbabakasyon ako sa pagigiging estudyante mo. Andami ko natutunan sayo at hinding-hindi ko yun makakalimutan. Mas nakilala ko ang aking sarili; ako pa rin ‘to oras at panahon lang ang nawala. At ngayon, dahil sayo magtuturo na ako. Alam kong marami ka pang magiging klase, pareho tayo.
Muli naniniwala akong pagkatapos ng bakasyon ko alam kong makikita pa rin kita, hindi man sa mata pero sa mga magagandang ala-ala. Maraming salamat sa iyo. Hanggang sa muli. Paalam…
Nagmamahal mong kaibigan-estudyante, fan,
Ako, si temi.
No comments:
Post a Comment