Malapit na naman ang pasko. Nag-iipon na naman ang marami pambili ng regalo. Dalawa na sa mga kabarkada ko ang nagtanong kungg ano ang gusto kong regalo. Sinabi ko CD kasi yun agad ang naisip ko. Mahal daw masyado, ssabi ko na lang kahit nong gamit sa papemelroti o kahit anong art materials. Parang hindi nila nagustuhan bigyan ako ng ganung bagay o para bang hirap pa rin sila mag-isip kung anong magandang ibigay sa akin. Sabi pa ng isa, ang hirap ko daw pag-isipan ng ragalo. Sa totoo lan simple lang akong tao at simple lang din ang mga gusto ko. Kung kilala mo ako at mga hilig ko makakaisip ka agad.
Sa totoo lang hindi ako maregalong tao, o yung mahilig magbigay ng regalo pero maalalahanin ako. Naalala ko nga nung kami pa, binibili niya mga alam niang gusto ko tulad ngg CD at CD pa, t-shirt, tapos binigyan niya din ako ng cap at kung anu-ano pa. May mamahaling greeting cards rin at mga tula nia, mga card na gawa din niya, sangkatutak na sulat. Ako. Naturang basurera at junkshop, mga gawa ko lang ang binibigay ko-mga sulat, tula, handmade greeting cards, scrapbook namin (dinikit ko na rin ang mga ticket ng bus, chocolate at candy wrappers, mga litrato) pwedeng-pwede nga niya sunugin e. Novelty pin at slippers lang ata ang hindi e. because really, it’s the thought that counts and means a lot. Much appreciated kung pinag-isipan, pinag-aksayahan ng oras hanapin o gawin ang isang regalo. Binili man o hindi. Coz really, it’s the thought that You remember Me.
No comments:
Post a Comment