04 October 2006

kung bakit porch ang blog ko

nalate nanaman ako sa pagpost ng blog na 'to.
2 august, 2006

Kahit minsan hindi ko pa isinulat kung bakit into the porch ang naging blog name ng on-line journal world ko. Minsan ng itinanong ng kaibigan at minsan ko na rin tinangkang isulat. Pero dahil sa mabilis na mga pangyayari hindi ko ito naabutan sa pagdaan sa aking isip. Libangan ko na kasi ang pag-iisip. Bukod sa laging pinagagawa sa eskwela e araw-araw nating ginagamit ang isip sa lahat ng ating mga ginagawa.

Hindi talaga sadya ang lahat. Nag-iisip ako tapos bigla na lang yun ang pumasok sa isip ko. Una kong naisip ang porch. porch bilang simbol sa sarili ko. Porch o kung sa tagalog e ung upuan sa labas ng isang bahay o gusali, isang kulob na pasukan sa isang kwarto sa labas ng isang gusali. Sa salitang latin tinatawag itong porta o gate sa ibang tawag sa ingles.

Bakit nga porch?

dahil ang porch ay isang upuan – ako yun taong mahilig tumambay sa bahay o maupo at manuod sa mga taong nagdadaan (nanghuhunt ng maganda.haha!); ako yun makikita mo sa terrace nakaupo, nakahiga sa kwarto ng paupo, nakahiga o nakaupo sa duyan o nagsswing (inshort parang mejo tamad ako)... Ako yun taong nanjan lang sa tabi-tabi, pwedeng balik-balikan nanjan pa rin…

…dahil ang porch ay pahingahan – pwedeng balik-balikan kahit anong oras para sabihan o kwentuhan ng isang problema o tipong wala gusto mo lang magkwento. Pwedeng iyakan, tawanan, puntahan, iwanan, at tulugan. Hehe anjan all season dahil asa labas siya ng bahay. sa totoo lang minsan kahit magisa ako nag-aabang lang ako ng katabi.. nagwiwish na sana may makatabi akong gustong tumabi sa kin dahil sa AKIN. wala lang hehe.

…dahil ang porch ay nasa may labas na parte ng bahay – maraming magagandang bagay sa labas ng bahay. hindi ako nagsasawa pagmasdan ang labas lalo kung nature, narerecharge ako sa fresh energy na nirerelease ng morning breeze, sa palubog na liwanag na hatid ng sunset, sa nag-aapoy at matitingkad na mga bituin sa langit, sa mga pagpatak ng ulan, sa natural na lamig na yumayakap ng mahigpit sa kin. Tulad ko, ang porch ang pinakamagandang lugar para makita at maramdaman ang lahat ng yun. Bukod sa kwarto.
At dahil nasa may parteng labas siya ng bahay hindi imposible na mabasa tuwing umuulan, ako din yun dahil mahal ko ang ulan. *hindi ko alam pero naiaasociate ko ang sunset at ang ulan sa kalungkutan. hindi ako ganun ka outdoor type na tao. gusto ko lang magtravel. parang pareho lang eh noh..

…dahil ang porch ay isang lagusan – naisip ko kasi nakakasulat ako hindi dahil sa pinapagawa lang ng teacher o professor namin, ang journal ko ay isang outlet, sa kung ano ako bilang tao. Ako at ang aking puso, isip, at gawi. Ako at si kaluluwa ko. Kumbaga sa isang photo, pinepreserve ko ang captured moments sa buhay ko sa pamamagitan ng bolpen at papel. Hindi man ito saktong sukatan ng aking pagkatao ito naman ang pintuan para makilala mo ako.

…dahil ang porch ay parang laging nakatingin sa malayo – mahilig ako mangarap, magfantasize, magdaydream, nasa labas pero nakatingin paloob…marami akong tanong sa buhay at maraming gustong gawin. minsan parang wala na akong kakuntentuhan sa dami ng gusto ko puntahan, gawin, subukan, iexperience...sulyapan.. Mahilig ako magbasa dahil nadadala ako nito sa iba’t-ibang lugar, nabubuksan nito ang isip ko sa maraming bagay, natututo ako sa pagbabasa at nalilibang…madalas parang nag-aabang lang sa tabe..….

sa ngayon yan ang mga dahilang naisip ko sa naisip ko.. kung may madadagdag at madidiscover pa ako ipapaalam ko na lang ulit sa yo. Ü tabi tayo!

No comments:

Post a Comment