20 July 2006

hindi ako nagalit sa kanya at kahit kelan hindi yun mangyayari. hindi ako magtatanim ng galit sa kanya, hindi ko duduraan ang lahat ng magagandang alaala naming dalawa. hindi man naging maganda ang huling kabanata ng istorya namin, mayroon naman akong babalik-balikan na magagandang ala-ala.
hindi ako nalulungkot kapag muli kong nadadaanan ang mga lugar na minsan naming pinuntahan. hindi ako naluluha kapag naririnig ko ang mga paborito naming kanta. ang sarap-sarap balikan. ang sarap sarap alalahanin.
nagpapasalamat ako at nakilala ko siya at pahumihingi ako ng patawad. tanging hangad ko lang ngayon ay ang maging masaya siya... sa muling pagkikita.Ü

No comments:

Post a Comment