walang pasok kinabukasan ayos lang kung gabihin ako ng uwe. wala naman gagawin, wala aaralin, malungkot pa wala akong pwedeng kausapin. minsan dumadating talaga na ikaw lang magisa ang pwedeng kumausap sa sarili mo lalo na sa mga panahong walang taong pwedeng umagapay o yumakap man lang sayo. lahat nakadepende sa nagpapakatatag na SARILI mo.
tanong sa kin ng kasama ko kanina bakit daw ba siya nabubuhay sa mundong to..hirap na hirap na sya..sinagot ko na lang sya na..dahil sakin. dahil sa kin kaya buhay ka pa at mabubuhay pa. hindi ko alam kung sineryoso nya yun o pinagisipang saglit..ang alam ko lang..ganon din ang gustong sabihin ng katawang panloob ko..pagod. uhaw. gutom. nangungulila. kumakapa. gumagapang..lumalaban para mabuhay. mabuti ng mamatay ng lumalaban kaysa mahimlay ng di nagbigay katwiran sa buhay na bigay ng Poong Maykapal.
lumalaban ako hindi lang para sa sarili ko kundi na rin para sa mga taong nasa paligid ko. kailangan nila ko gayundin rin ako sa kanila.
nabubuhay ako sa mundong walang ginawa kundi magbago. ulap ng ibat ibang emosyon. puhunan ng katunayan ng karunungan. kalungkutan. kabundukan ng katauhan. kagubatan ng kahayupan. sino bang nagsabing isilang ako dito? maranasan lahat na to..pasanin ang bigat ng bawat sakripisyo..wala. hindi ako. hindi ko sinabing isilang ako ng nanay ko. sinabi ko bang gusto ko sa mahirap at pasakit na mundong to? hinde! hinde! hindeEE!!! ...bunga lang ako ng pagmamahalan nila ng tatay ko. bunga ako ng pag-ibig. pag-ibig ang dapat kong ipalaganap. iparamdam. ipamalita.
ang pagiging masaya ay isang pagpili
pilit kong binabago ang aking sarili
isiping masaya ako sa king mga adhikain
ang buhay ay pag-ibig
ang bulong ng aking sarili
wag magkubli sa sang tabi
kalimutan ang nakaraan
lumipad kasama ng mga pangarap
ang lahat ay Siya lang ang may alam
kahit ako ay gumagapang..
pilit akong gumagapang..
lumalaban!
dahil ang buhay ko ay para sa Kanya
para sayo
para sa lahat..
maraming salamat mahal..paalam.
kita tayo sa daan..
hanggang sa dulo ng..
walang hanggan.
No comments:
Post a Comment