25 May 2005

S A N A

iniisip mo din kaya ako ngayon
malamang hindi pero sana oo
gusto mo din kaya ako..
siguro hindi pero sana oo
papayag ka kaya makipagdate sa kin
malamang hindi pero sana oo
gusto mo din kaya ako makilalat makasama
parang hindi pero sana oo
naeenjoy ka kaya makipagkwentuhan sa kin
baka indi pero sana oo
tatabihan mo kaya ako matulog
ewan ko pero sana oo
sasamahan mo kaya ako sa kwarto
exciting yun sana oo
makipagsayaw ka kaya sa kin ng walang bitawan
hmmm... sana oo
makapagpalipas kaya tayo ng gabing magkasama
gusto ko, sana magkatotoo
ulila din kaya ang kamay mo sa kamay ko..
alapaap! sana oo!
uhaw din kaya ang labi mo sa akin..
baliw na ko pero sana oo
maliligo kaya tayong dalawa sa ulan?
sana oo..tapos habulan tayo
pangarap mo din kaya mastranded tayo sa isla,
malock sa isang kwarto sa tren o sa elevator ng tayong dalawa lng
kahit sa pangarap lang sana oo ang sagot mo
gagawin mo din kaya ang thesis ko
hehe joke lang pero ako oo
naiisip mo din kaya kung kumain na ba ko
naiisip mo din kaya magbisikleta papuntang bahay namen..
sinusulat mo din kaya ng cursive ang pangalan ko sa likod ng
notebook mo o kahit tuwing may nakakainip na class discussion
sasabayan mo kaya ako kumain o ililibre ng ice cream..
lalo pag di ako cool
double dutch o rocky road solb na ko o kahit pa yung
ice cream stick na buko at may monggo sa dulo
tabihan mo din kaya ako pag malungkot ako kahit walang salitaan..
sana andun ka yakap mo ko..
nahuhuli mo din kaya ang sarili mong nakangiti sa tuwing naaalala mo ko
anghel din kaya ako sa buhay mo
sa kakulitan ko lang demonyo na mundo mo e
namimis mo kaya ako pag di ako nagtetext
isang text mo lang nakukumpleto ang araw ko
nababadtrip ako pag hindi ka ttx
nag-aalala ka din kaya sa kin pag di pa ako nakakauwi
nagseselos ako pag may kasama o cge na nga kadate kang iba!
dahil akin ka lang.. sa pangarap..sa panaginip
(sana nga wag na magising...)
hindi ako makapag-isip, hindi mapakali, hindi matahimik kung wala ka
hanapin mo kaya ako kung mawala man..
naiisip mo din kaya ako sa bawat bagay na
makita mong paborito ko may kwento ko
naiisip mo din kaya ako bago ka matulog..
siguro pero kaibigan mo lang ako
naiisip mo din kaya ang naiisip ko ngayon..
Sobrang Adik Na Ako


mahal mo din kaya ako..
ako kasi oo..

No comments:

Post a Comment